Nahum 3:17
Print
Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.
Ang iyong mga pinuno ay gaya ng mga tipaklong, at ang iyong mga tagapamahala ay parang kawan ng balang, na dumadapo sa mga bakod sa araw na malamig— kapag ang araw ay sumikat, sila'y nagliliparan, walang nakakaalam kung nasaan sila.
Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.
Ang inyong mga tagapagbantay at mga opisyal ay kasindami ng mga balang na nakadapo sa mga pader kapag malamig ang panahon. Pero pagsikat ng araw ay nagliliparan at walang nakakaalam kung saan sila pumunta.
Ang mga pinuno mo ay parang mga balang, na nakadapo sa mga pader kung malamig ang panahon, ngunit nagliliparan pagsikat ng araw, at walang nakakaalam kung saan sila pupunta.
Ang mga pinuno mo ay parang mga balang, na nakadapo sa mga pader kung malamig ang panahon, ngunit nagliliparan pagsikat ng araw, at walang nakakaalam kung saan sila pupunta.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by